(Kabacan, North Cotabato/ January 29, 2015)
---Wala umanong kinalaman ang Bangsamoro Basic Law sa nangyaring sagupaan sa
Mamasapano, Maguindanao.
Ito ay ayon sa panayam ng DXVL News Kay MILF
Vice-Chairman for Political Affairs Ghazali Jaafar.
Aniya ay ang mga tao umano ang may kasalanan
sa nasabing sagupaan at dapat umanong magsagawa ng imbestigasyon upang malaman
kung sino at at ano ang totoong pinag- ugatan ng naturang pangyayari.
Sinabi niya na mayroon mekanismo na dapat
sinunod ang magkabilang grupo bago isinagawa ang bakbakan.
Dapat na nirespeto daw ang Ceasefire
Agreement, na ito umano ang kasunduan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation
Front O MILF at ng Gobyerno ng Pilipinas.
Ito ay ang pagkakaroon ng negosasyon sa
pagitan ng MILF at ng Gobyerno bago isagawa ang sagupaan.
Giit naman ni Jaafar na mayroong nangyaring
hindi tama sa naturang bakbakan sapagkat sa impormasyon umano sa kanila ay pati
ang mismong Pangulong Benigno Aquino ay walang kaalam alam sa naturang
pangyayari.
Sinabi rin ni Jaafar na wala umanong naitulong
ang ginawa ni Senador Marcos upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao.
Sa halip ay mababalam lamang nito ang pag-
apruba ng BBL at ang resulta umano ay mananatili ang Mindanao sa kasalukuyan
nitong kalagayan at hindi lamang ang Mindanao ang maaapektuhan kundi ang buong
Pilipinas. Lorie Joy Dela Cruz
0 comments:
Mag-post ng isang Komento