Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga batang may edad 3 hanggang 4 na taong gulang, pinaiigting ng MSWDO Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2015) ---Pinaiigting ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Kabacan  ang pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga batang may edad 3 hanggang 4 na taong gulang.

Ito ayon kay Kabacan Municipal Social Welfare and Development Officer, Susan Macalipat sa panayam ng DXVL News.

Aniya isa umanong paraan ng pagpapaigting ng pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga bata ay ang accreditation ng mga Day Care Centers at mga Day Care Workers na pinangungunahan ng mga deputees ng DSWD Manila at Region 12.

Dagdag pa ni MSWD Officer Macalipat isinagawa umano ang accreditation upang masuri ang functionality ng kanilang tanggapan, na kung saan isa sa mga criteria ay maging 60% accredited ang mga Day Care Centers at Day Care Workers sa bayan ng Kabacan.


Umaasa rin umano si Macalipat na maging matagumpay ang accreditation dito sa bayan ng Kabacan dahil kahit mahirap umanong abutin ang mga criteria ngayon ay ibinigay naman daw umano ng mga Day Care Workers ang kanilang galing para maacomplish ang mga requirements. Lynneth Oniot 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento