Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nalason sa pancit, nakalabas na ng ospital


(North Cotabato/ January 25, 2015) ---Nakalabas na ng ospital ang labing isang pasyente na una nang napaulat na nabiktima ng food poisoning sa Pigcawayan, North Cotabato noong January 13.


Sinasabing ang kinain nilang pancit ang naging dahilan ng kanilang pagsusuka at pagtatae.


Una rito, abot sa 21 mga magsasaka mula sa Brgy. Katinggawan, Midsayap, North Cotabato ang tumungo sa Brgy. Tubon, Pigcawayan, upang mag-ani ng kanilang palay subalit matapos kumain ng almusal ay dito na nagsimulang manakit ang kanilang tiyan.

Agad naman naisugod ang siyam na mga magsasaka sa pagamutan at nadagdagan pa ng dalawa kinabukasan.

Bagama't nakalabas na ang mga naturang magsasaka kinumpirma naman ni Dr. Manuel Rabara, ang attending physician ng mga biktima sa Amado Hospital ng Midsayap na negatibo ang resulta ng laboratory exams ng mga biktima.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento