(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2015)
---Nanawagan ang Office of Senior Citizen Affairs o OSCA Kabacan sa mga Senior
Citizens na hindi pa nakakafill-up ng PhilHealth Membership form na pumunta na
sa kanilang tanggapan, ito ay ayon sa panayam ng DXVL News kay OSCA Chairman,
Nenita B. Sunsay.
Ayon kay Sunsay, kailangan na umanong
magfill-up ng mga Senior Citizens dahil isusumite na umano niya ang listahan ng
unang batch ng mga Senior Citizen PhilHealth Members ditto sa Kabacan
Dagdag pa niya, ang pamimigay umano ng
libreng PhilHealth Membership sa mga Senior Citizens ay isang programa ng
gobyerno. Lynneth A. Oniot
0 comments:
Mag-post ng isang Komento