Photo by: Drema F. Quitayen |
Ayon kay Region 12 Department of Agriculture
Executive Director Amalia Jayag Datukan ang PRDP ay upscale version ng
katatapos lamang na Mindanao Rural Development Program o (MRDP).
Aniya, ang upscaling version na ito ay kung
saan hihikayatin umano nila ang mga magsasaka na maging value processing
oriented ng kanilang mga pangunahing produkto tulad ng saging, rubber, kamoteng
kahoy, niyog, abaka, oil palm, halamang dagat, cacao, mangga at kape upang
hindi na nila ito ibigay sa traders at assemblers.
Ang nasabing proyekto ay naglalayong
maiangat ang income ng mga mamamayan sa rural areas at mapababa ang antas ng
kahirapan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
iba’t-ibang enterprise development, maliliit na negosyo at proyektong
pang-imprastraktura at pangkabuhayan para sa mga magsasaka at mangingisda sa
Pilipinas.
Ang pondo ay mangagaling sa World Bank, na
babahagian ng 20 % galing sa Provincial LGU at 20% rin galing sa National
Government. Rizalyn Launio
0 comments:
Mag-post ng isang Komento