Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Broadcast Traffic Officer ng DXVL FM, pumanaw na!

(Kabacan, North Cotabato/ June 29, 2014) ---Matapos makipaglaban kay kamatayan ng ilang araw, tuluyan na ring iginupo ng kanyang karamdaman si Miss Irah Vanessa Palencia Gelacio makaraang binawian na ito ng buhay sa Intensive Care Unit ng San Pedro Hospital, Davao city alas 12:30 kaninang madaling araw.

Ito ang kinumpirma mismo sa DXVL News ng kanyang Mister na si Gerald Gelacio sa text message na naglalaman ng “Dik salamat sa inyu mga prayers… Indi na gid niya gikaya…”

Si Irah ay pumanaw sa edad na 29 matapos na magluwal ng abot sa 3.6kg na sanggol nitong Hunyo a-24 sa lying In ng RHU Kabacan.


Batay sa inisyal na ulat, sinabi ng kanyang Mother in law na matapos manganak ni Irah alas 5:00 ng madaling araw ay nagdaranas ito ng matinding pagdurugo, pero hindi umano nag abiso ang mga Nurse at midwife na dalhin sa ospital kung hindi pa ito pinilit ni Ginang Anita Gelacio.

Pasado alas 7:00 na ng umaga ng maitakbo sa USM Hospital si Irah kungsaan naubusan na ito ng dugo sa katawan at nag-shutdown na ang kanyang body system, ayon sa mga doktor.

Agad namang inabunuhan ng dugo ang biktima sa tulong ng mga nag-donate.


Dahil sa matinding bleeding, agad na inoperahan si Irah sa matris para mapahinto ang pagdurugo.

Dakong alas 12:00 ng tanghali ng matapos ang operasyon at unti-unti itong nakaka-recover, pero ng bandang hapon, nahihirapan naman itong huminga, kaya isinugod sa Kidapawan Medical Specialist para mabigyan ng ventilation.

Hunyo 25, muling bumalik sa normal ang kanyang mga vital signs.

Patuloy naman ang monitoring sa kanyang kalagayan sa ICU ng Kidapawan Medical Specialist hanggang Hunyo a-27.

Samantala dakong alas 3:00 ng hapon ng Hunyo a-27, bumaba ang kanyang platelet kaya binigyan ito ng concentrated na platelet buhat sa Kidapawan City Blood Bank.

Bukod sa kalagayan ng kanyang dugo (Blood Pressure) ay may nakikita pang problema sa kanyang kidney (infected) dahilan para isinugod ito ng kanyang mga pamilya sa San Pedro Hospital sa Davao City mag aalas 6:00 ng gabi.

Sa panayam kay Mam Anita Gelacio, planung i-dialysis ng mga doktor si “Mai-mai” mamayang alas 4:00 kung magtaas ang BP niya (June 28).

Pero hindi ito natuloy dahil sa 40 lang ang BP nito hanggang umabot ng 60 at itinurok na ang abot sa P19,000.00, P21, 0000.00 at yung sinasabing life saving na gamot na nagkakahalaga ng P40,000.00 pero di pa rin kinaya ni Irah.

Dakong alas 11:00 kagabi tumaas ang BP nito 80/110, pero tuluyan na itong binawian ng buhay alas 12:30 batay sa death record ng kanyang mga attending Physician.

Sa ngayon hindi pa matanggap ng pamilya Gelacio lalo na ang asawa nito, kasamahan sa trabaho, kaibigan at mga suking tagapakinig ni Irah sa DXVL FM ang sinapit nito.

Sa tulong ng LGU Kabacan, agad na naiuwi ang kanyang bangkay sa Kabacan kanina at sa ngayon ay nasa torreda Funeral Homes na ito.

Inaasahang bukas ay ibuburol ang bangkay nito sa kanilang bahay sa 1st Block Villanueva Subd., Kabacan, Cotabato.

Si Irah ay Broadcast traffic Officer ng DXVL FM, may hawak din ng Sales and Marketing ng Himpilan.

Siya rin ang napapakinggan sa Balitang KOOL oras-oras.

Hawak din nito ang segment na Health News and Expert Views, Balitang Pangkalakalan at Ekonomiya sa The Morning News program.

Sa hapon naman ay katandem nito si RB ng Bayan sa Periodiko Express.


Naulila ni Irah ang dalawa nitong anak na sina Gboy 7 at Prince Ivan John 7 days. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento