Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tiyo, pinatay ng pamangkin sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ June 30, 2014) ---Patay ang isang 46-anyos na laborer makaraang barilin mismo ng kanyang pamangkin sa nangyaring pamamaril sa harap ng Brgy. Social Hall sa Brgy. Estado, Matalam, North Cotabato alas 6:00 kagabi.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Alberto Candole Eglisia, 46, habang kinilala naman ang suspek na mismong pamangkin ng biktima na si Mario Eglisia, 35-anyos kapwa residente ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nagkaroon umano ng di pagkakaintindihan ang suspek at biktima hanggang sa nauwi sa pamamaril.

Tatlong beses na binaril ng suspek ang tiyuhin nito gamit ang isang pistol na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang suspek sa di amalmang direksiyon.

Personal grudge ang isa sa mga nakikitang motibo sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento