(Kabacan, North Cotabato/ July 4, 2014) ---Ihahatid
na sa kanyang huling hantungan bukas si kakunektadong Irah Palencia Gelacio
makaraang mamatay ito dahil sa panganganak nitong Hunyo a-24 ng madaling araw.
Si Irah ay ililibing sa St. Jude Memorial
Park sa brgy. Kilada, Matalam, North Cotabato bukas alas 9:00 ng umaga kungsaan
aalayan ito ng misa sa Christ the King Parish sa simbahan ng katoliko.
Ang mga
labi nito ay pansamantalang nakahimlay sa kanilang bahay sa 1st
Block, Villanueva Subdivision, Kabacan, North Cotabato.
Nabatid na si Irah ay binawian ng buhay
noong June 29 alas 12:30 ng madaling araw sa San Pedro Hospital matapos na di
na nito kinaya pa ang komplikasyong kanyangdinaramdam matapos manganak sa Lying
In at naubusan ng dugo.
Planu din ngayon ng Pamilya Gelacio na
maghain ng reklamo laban sa lying Inn upang hindi na maulit ang nangyari kay
Irah na diumano’y kapabayaan ng mga midwife at nurse attendant matapos na
maubusan ng dugo makaraan ng dalawang oras na panganganak.
Naiparating na rin ng Pamilya Gelacio ang
pangyayari sa Sangguniang Bayan ng Kabacan ang nasabing insedente sa
pamamagitan ni vice Mayor Myra Dulay Bade.
Samantala lubos naman ang pasasalamat ng
Pamilya Palencia-Gelacio lalo na ang kanyang asawa na si Gerald Gelacio sa
lahat ng mga tumulong at nakiramay sa maagang pagpanaw ni Ka-kunektadong Irah
Vanesa Gelacio.
Bumuhos rin ang pakikiramay sa kanya ng
kanyang mga suking tagapakinig sa DXVL FM, bukod pa sa suporta din na ipinaabot
ng USM, mga kasamahan sa trabaho at mga kamag-anak nito.
Naulila ni Irah ang asawa nito mga
kapamilya, kamag-anak at ang dalawang anak nito na sina Carl Gervane at Prince
Ivan John.
Si Irah ay Broadcast traffic Officer ng DXVL
FM, may hawak din ng Sales and Marketing ng Himpilan.
Siya rin ang napapakinggan sa Balitang KOOL
oras-oras.
Hawak din nito ang segment na Health News
and Expert Views, Balitang Pangkalakalan at Ekonomiya sa The Morning News
program.
At sa hapon naman ay katamdem ng inyung
lingko sa sa Periodiko Express.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento