Halal forum gagawin sa Kabacan, North Cotabato
MAGING ang mga hindi Muslim puwede’ng kumain ng mga halal foods.
Ito ang nilinaw ni Dr. Norodin Kuit, ang lead auditor ng Muslim Mindanao Certifying Board, Inc., o MMCBI.
Si Dr. Kuit ang siya’ng pangunahing bisita sa gagawing HALAL FORUM bukas na gaganapin dito sa University of Southern Mindanao o USM Main Campus sa bayan ng Kabacan, North Cotabato .
Ang forum ay magkatuwang na isinusulong ng USM Extension Services Center at ng Citizens' Food Watch.
Ayon sa Citizens Food Watch, maliban sa ligtas ang mga certified halal foods, tiyak din ang mga bitamina at mineral na makukuha rito ng mga konsumidores.
Si Dr. Kuit, maliban sa pagiging auditor ng Certifying Board ay siya ring chief ng Livestock and Poultry Division ng Department of Agriculture and Fisheries ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Maliban sa halal foods, isinusulong din ni Kuit ang organic farming.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento