Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Public hearing hinggil sa pagbabawal na pagpapastol sa mga dayung itik sa bayan ng Kabacan; isinagawa

Isinagawa kahapon sa Kabacan Municipal Hall ang public hearing hinggil sa pagbabawal na pagpapastol sa mga dayuhang itik sa bayan ng Kabacan matapos ang diumano’y maraming natatanggap na mga report na karamihan sa mga nagpapastol ng kanilang mga itik ay hindi residente ng bayang ito.

Ang nasabing ordinansa ay iniakda ni Councilor Jonathan Tabara, ang may hawak ng Committee on Agriculture sa Sanggunian matapos ang diumano’y mas marami pa umano ang napapastol ng mga dayung mga nag-aalaga ng itik keysa sa mga residente ng bayang ito.

Para kay Itik President Association Jed Guiabel, nakakaalarma umano ang pagpasok ng mga dayuhang nagpapastol sa ilang mga barangay sa bayan ng Kabacan at nahihirapan silang aregluhin ang mga ito kung lumalabag sa ilang mga batas.

Hinikayat naman ni Tabara na pagpanday ng kaukulang ordinansa ang mga Irrigators’ Associations, Association of Duck Operators ng Kabacan at Barangay local governments units para maisama din ang ordinansang kanila nagawa para sa tamang pag-implementa ng nasabing batas.

Una na ring naipasa sa 1st reading ang nasabing panukala.

Karamihan umano sa mga nagpapastol ng mga itik ay dayo mula sa South Cotabato na mas marami ang kanilang alagang itik.

Kung maalala, ang barangay Kilagasan ay nagpasa ng ordinansa noon na nagbabawal sa pagpapastol sa kanilang barangay ng mga itik na dayo matapos na namomonitor ng kanilang barangay opisyal ang mga dayung nagpapastol ng itik sa lugar.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento