Mga PWD’s ng Kabacan, bumida sa paglalaro ng basketball
Hindi hadlang ang kapansanan para kay Guadencio Padernal ng Lower Paatan kahit pa man may deperensiya ito sa paa, para makapaglaro ng basketball.
Si Ginoong Padernal kasama ang ilan pa sa mga may kapansanan ang bumida sa paglalaro ng basketball kahapon sa Municipal Gymnasium sa programa ng MSWDO Kabacan, LGU, Kabacan Differently Abled Federation para sa paggunita ng ika-33rd National Disability Prevention and Rehabilitation week.
Ayon kay Kabacan PWD Focal Person Honey Joy Cabellon sa panayam ngayong umaga, abot sa isang daan at anim na pu’t siyam na mga PWD’s ng Kabacan buhat sa labin anim na mga barangay ng bayan ang nakibahagi sa nasabing programa.
Nagkaroon ng parlor games, blood typing at ngayong umaga naman ay gagawin ang dental check-up sa mga ito.
Bakas sa mga mukha ng mga ito ang saya matapos na mabigyan ang ilan ng assistive device kagaya ng wheelchair at panaklay.
Sinabi pa ni Cabellon na nagpapatuloy naman ang ginagawang free blood typing sa lahat ng may mga kapansanan sa Rural Health Unit ng Kabacan.
Nakatuon ang selebrasyon sa temang “Making the rights Real for Filipinos with Disabilities”.
Report mula sa Kabacan LGU, kasama mo sa pag-diriwang ng ika-33rd National Disability Prevention and Rehabilitation week… Nag-uulat para sa Radyo ng Bayan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento