Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 pulis sugatan sa engkwentro sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ September 17, 2014) ---Tatlong miyembro ng Special Action Force ng PNP ang nasugatan makaraang makasagupa ang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi ng Sitio Bantaan, Barangay Bagumbayan sa bayan ng Magpet, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Magpet PNP nagsagawa ng clearing operation ang pangkat ng PNP sa pamumuno ng P/Inspector Efren Cogasi nang makasagupa ang mga rebeldeng New People’s Army na pinamumunuan ni Kumander Joseph ng Guerilla Front 53.

Kabilang sa mga sugatan ay sina PO2 Jop Limangan, PO2 Jhon Bilang, at si PO2 Rudy Ticangen habang di-pa matukoy ang bilang ng mga sugatan sa panig ng kalaban.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nagpapatuloy ang bakbakan sa nasabing lugar kahapon.

Sa report na ipinararting ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PSI Jojet Nicolas sa DXVL News agad namang nagsagawa ng chokepoint operation ang Magpet Police Station partikular sa Brgy. Bantac para sa ikadarakip ng mga sugatang miyembro ng NPA at ng kanilang mga reinforcement. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento