(Kabacan, North Cotabato/ September 16,
2014) ---Posibleng magtataas na naman ang singil sa kuryente sakaling
maipatupad itong administrator sa mga power supply.
Ito ang sinabi
sa DXVL News ni COTELCO Spokesperson Vincent Baguio matapos lumabas ang
balitang ililipat na sa pribadong kompanya ang pamamahala ng power output mula
sa Mindanao 1 at 2 power plant sa Mt. Apo.
Ito ay
nakabatay naman umano sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA Law.
Malaki ang paniniwala ni Baguio na hindi advantage para sa mga electric cooperative kung isasapribado ito dahil malaya ang private company na taasan ang presyo ng kuryente.
Sa ngayon, National Power Corporation pa ang namamahala sa power output ng dalawang planta sa Mt. Apo ngunit sa susunod na buwan ay pwede na itong mailipat sa siyam na kompanyang kwalipikado sa bidding.
Pero kung
tuluyan ng maisapribado ang lahat ng assets and liabilities ng NPC ay possible
na rin ang pagtaas sa singil sa kuryente, wika pa ni Baguio.
Bagama't dismayado, naniniwala din ang opisyal na wala nang magagawa ang lokal na pamahalaan para mapigilan ang bidding dahil ang proseso ay ibinatay sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA Law.
Dahil dito,
hiling ngayon ng samahan ng mga kooperatiba sa Mindanao na AMRECO na
maamiendahan ang EPIRA Law upang di tuluyang maisapribado ang lahat ng assets
and liebilities ng National Power Corporation. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento