Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

LGU Kabacan, tumatanggap na ng Remittance ng Philhealth Premiums

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 18, 2014) ---Bukas na hindi lamang sa mga taga-Kabacan kundi maging sa mga kalapit na lugar ang Treasurer’s Office ng LGU Kabacan para tumanggap ng bayad sa Philhealth.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Councilor Ayesha Quilban, may hawak ng Committee on Health and Sanitation sa Sangguniang Bayan kasabay ng isinagawang orientation kahapon.

Aniya, isinagawa ang orientation sa hanay ng mga empleyado ng LGU kabacan, hanay ng mga Barangay Chairman ng Bayan at sa pribadong sector sa tulong Philhealth Office mula Kidapawan para sa accreditation ng LGU kabacan na maging collecting agent ng Philhealth Premiums sa municipal hall kahapon.

Aniya, malaking tulong umano eto para sa mga taga-Kabacan at mga mamamayan ng karatig munisipyo ng bayan para mas mapadali, mas pinalapit at mapabilis ang pagbabayad ng kanilang philhealth premiums.

Sa halip na magtungo sa Kidapawan o pumila sa Landbank ay pwede narin umanong magbayad sa Treasurers office ng munisipyo ng Kabacan.

Samantala ,kahapon din ay nagkaroon ng libreng registration sa tulong ng Phil Health Office mula Kidapawan City kung saan ang mga gustong mag avail ng mga programa ng philhealth ay kanilang inasikaso, ngunit kahapon lamang po ito.

Simula ngayong araw ay ang pagbabayad nalang po ng Philhealth premiums ang kanilang aasikasuhin.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento