By:
Jimmy Sta. Cruz
AMAS, Kidapawan City (Sep 16) – Halos
plantsado na ang gagawing Enhance Justice On Wheels o EJOW sa lalawigan ng
Cotabato sa Sep. 25, 2014.
Ito ay matapos ang final coordination
meeting na ginanap sa Rooftop ng Provincial Capitol Building kahapon.
Sina Hon. Judge Lily Lydia A. Laquindanum ng
Regional Trial Court Branch 24 na nakabase sa Midsayap, Cotabato, Overall
Co-Chairman ng EJOW at Jessie Enid, Provincial Focal Person for Legal Affairs
ang nanguna sa naturang meeting.
Kinumpirma ng dalawa ang pagdating nina
Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez at Supreme Court Deputy Court
Administrator Thelma C. Bahia at iba pang opisyal mula sa SC at Philippine
Judicial Academy o PhilJa sa EJOW. .
Tinalakay din kahapon ang magiging takbo ng
programa para sa Sep 25 kung saan inaasahan na magiging abala ang mga honorable
judges mula sa iba’t-ibang Regional Trial Courts o RTC’s, Municipal Trial
Courts o MTC’s at Municipal Trial Courts in Cities o MTCC’s sa gagawing mobile
court hearings.
Sa pinakahuling impormasyon mula kay Hon.
Judge Laquindanum, mula sa bilang na 119 detainees at 167 cases ay umakyat na
sa 144 detainees at 180 cases ang reresolbahin o idi-dispose ng korte sa
hearing na gagawin sa loob ng mga bus ng Supreme Court.
Dumalo sa meeting kahapon ang mga
stakeholders nh EJOW na kinabibilangan ng mga honorable judges, court
employees, Integrated Bar of the Philippines-North Cotabato Chapter, PAO, BJMP,
CPPO, at ang Provincial Legal Office na umakto naman bilang Technical Working
Group ng EJOW.
Kabilang sa magaganap sa EJOW ay ang opening
program sa Provincial Capitol gymnasium, mobile court hearings and
court-annexed mediation sa harap ng Provincial Capitol gym, Information
Dissemination sa pagitan ng SC officials at mga opisyal ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Cotabato.
Tampok din ang jail visitation with medical
and dental services and legal aid na gaganapin sa North Cotabato District Jail
sa Capitol Compound.
Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga court
officials na naka base sa Cotabato na makausap ang mismong mga SC officials sa
isang dayalogo na gagawin sa capitol rooftop na susundan naman ng team building
activity sa hanay ng mga court officials and personnel.
Dumalo din si Atty. Constantino, Forensic
Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA kahapon upang ipaliwanag
kung papano gagawin ang pag-dispose sa mga ebidensiya laban sa mga palalayaing
preso.
Kabilang dito ang pagsunog sa mga ebidensiya
na kinabibilangan ng illegal drugs at pag-dispose sa iba pang mga ebidesiya
tulad ng firearms at explosives pero nilinaw ng PDEA na may mga aliituntuning
susundin sa pagsunog o pag-dispose.
Kailangan naman ang presensiya ng Dept. of
Justice o DOJ, Media, Civil Society Group, elected officials at PAO sa
pag-dispose ng mga ebidensiya. (JIMMY
STA. CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento