By: Jimmy Sta. Cruz
AMAS, Kidapawan City (Sep
18) – Sa layuning maipakita ang mabuting samahan ng mga Lumad, Muslim at
Kristiyano sa lalawigan ng Cotabato, magiging tema ng itinatayong provincial
museum ang pagkakaisa ng Tri-People.
Ito ang resulta ng
3-araw na Training and Workshop on Provincial Museum Conception na ginanap sa
Annex Building, Provincial Capitol mula Sep. 16-18, 2014.
Partisipante sa
naturang aktibidad ang mga key personnel ng Provincial Governor’s Office-
Public Affairs Assistance Tourism Sports Development Division, Provincial Human
Resource Management Office, Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato, Provincial
Governor’s Office Media Center, academe, civil society organization, Provincial
Advisory Council.
Dumalo rin sa
aktibidad ang ilang mga representante mula sa DepEd Cot Division,
non-government organization, civil society groups at iba pa upang maging
multi-sektor ang ginagawang konsepto ng provincial museum.
Si Dr. Antonio Julian R. Montalvan II, Managing Director ng
work-in-progress na A. Brown Museum na nakabase sa Cagayan de Oro City at
dating Chairman ng National Committee on Museums ng National Commission for
Culture and Arts ang resource speaker at trainer ng naturang training-workshop.
Ayon kay Dr.
Montalvan, kapuri-puri ang napagkaisahan ng mga partisipante na gawing tema ng
provincial museum ang pagkakaisa ng Tri-People o mga Lumad, Muslim at
Kristiyano sa Cotabato Province.
Ito ay may magiging
daan upang maipakita sa buong bansa na ang lalawigan ng Cotabato ay isang
mapayapang lugar at nagkakaisa ang mga tao sa kabila ng pagkakaiba-iba ng
relihiyon, paniniwala, tradisyon at kultura.
Paraan din daw ito,
ayon pa kay Dr. Montalvan upang mabago ang negatibong imahe ng Cotabato
Province bilang magulo at sentro ng digmaan.
At dahil pagkakaisa
ang tema, napagkasunduan ng mga partisipante na i-display at pangalagaan sa
provincial museum ang mga artifacts, heirlooms at iba pang sinaunang gamit na
nagpapakita ng mayamang kultura at pagkakaisa at mabuting samahan ng Tri-People
tulad ng gamit pang-saka, musical instruments, kasuotan at iba pa.
Layon din ng
training-workshop na patuloy na palakasin ang pagbubuklod-buklod ng mga Lumad,
Kristiyano at Muslim sa lalawigan ng Cotabato at ipagpatuloy an pagkakaisa at
mapayapang pamumuhay.
Pinag-aaralan na
ngayon ang magiging pangalan ng provincial museum na magrerepresenta ng pagkakaisa ng bawat
mamamayan ng Cotabato.
Lahat ng natalakay sa
training-workshop ay isusumite kay Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza at sa
Technical Working Group ng provincial museum para sa kaukulang pagrepaso at
final approval. (JIMMY STA. CRUZ/PGO
Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento