Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 katao, sugatan sa strafing incident sa na nangyari sa Pedtad, Kabacan, Cotabato; mga residente sa isang sitio sa nasabing barangay nagsilikas na!

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 17, 2014) ---Tatlo ang sugatan sa nangyaring pamamaril ng pinaniniwalaang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Sitio Ladao, Barangay Pedtad, Kabacan Cotabato Lunes ng gabi.

Ayon kay Barangay Pedtad Chairman Romeo Mantawil sa panayam ng DXVL kahapon, nasa DMC ngayon ang isang 4 na taong gulang na batang batae na hindi pinangalanan matapos na matamaan umano sa balikat at nadaplisan sa ulo, at nasa kanyang pangangalaga rin ang dalawa katao na tinamaan rin sa naturang pamamaril.


Anya, siya umano ang punterya ng mga ito, at hindi niya mabatid kung ano ang kanyang nagawang kasalanan sa mga ito.

Dagdag pa ni Mantawil na ang mga Kumander na namuno sa nangyaring pamamaril ay sina Kumander Abdila, Kumander Aligalay at Kumander Hadji Gapor na mga Kumander umano ng MILF.

Nasa Pedtad Elementary School umano nayon ang mga residenteng naapektuhan ng pamamaril matapos na nagsilikas ang mga ito mula sa Sitio Ladao, ayon kay Kapitan Mantawil

(Voice Clip) ang tinig po yan ni Brgy Pedtad Barangay Chairman Romeo Mantawil

Magsasagawa din ng inspeksyon ang Kabacan PNP ngayong araw sa kanilang barangay upang malaman kung nasa AOR pa ba ng Brgy. Pedtad ang mga suspek ayon pa sa Punong Barangay. DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento