(Cotabato City/ September 16, 2014) ---Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa bahagi ng
Jose Lim, Poblacion 6 Cotabato City alas 5:20 ng hapon kahapon.
Kinilala ng City Police Station 1 ang biktma na si Salik Kasim,
residete ng nasabing barangay.
Nagtamo ng tatlong tama ng bala ang biktima sa kanyang katawan dahilan
ng kanyang agarang kamatayan.
Matapos ang pamamaril ng suspek na kinilalang isang Ronnie ng Mother
Barangay ng Lungsod ay mabilis itong tumakas.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril habang
patuloy rin ang hot pursuit operation ng mga otoridad laban sa suspek.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento