By: Lloyd
K Oasay
(Kidapawan City/ September 18, 2014) ---Inirekomenda
ng CDRRMC na isailalim sa State of Calamity ang Kidapawan City mula sa
kasiraang dulot ng malakas na ulan at pagbaha noong gabi ng September 11.
Ito ang siyang napagkasunduan ng mga kasapi
ng City Disaster Risk Reduction and Management Council sa kanilang pagpupulong
kanina.
Mahigit sa walong milyong pisong QRF ang
nakatakdang ipapalabas ng City LGU kapag inaprubahan na ng Sangguniang
Panlungsod ang deklarasyon ng State of Calamity.
Sakop nito ang pagsasa-ayos ng
mga nasirang imprastruktura (tulay, drainange system, daan), pagtulong sa mga
nasiraan ng pananim at palaisdaan; dagdag na relief items; de-clogging at de-silting
ng mga daluyan ng tubig; gasolina para sa mga gagamiting heavy equipments na
siyang magsasa-ayos ng mga nasirang istruktura at livestock dispersal para sa
mga nawalan ng farm animals noong kasagsagan ng pagbaha.
Sa ulat ng CDRRMC, sampung mga apektadong
barangay ang inisyal na mabibigyan ng tulong na nabanggit.
Ang mga ito ay ang :
Poblacion; Singao; Lanao; Balindog; Paco; New Bohol; Sudapin; Kalasuyan;
Magsaysay at Nuangan. Mahigit sa 400 na mga pamilya ang agad nabigyang tulong ng
City LGU.
Bineberipika pa ng Lokal na Pamahalaan ang naapektuhang mga residente
ng iba pang barangay na hindi nakasama sa inisyal na ulat na isinumite ng CSWDO
at ng City Engineering Office na nangangailangan din ng ayuda.
Hinggil naman sa mga informal settlers na
nasiraan ng bahay na nakatira sa mga tabing ilog, planong magbigay ng P5000 na
halaga ng construction materials si Mayor Evangelista sa kanila.
Ngunit,
kinakailangan umanong magtayo sila ng bagong bahay sa lugar na kung saan sila
ire-relocate ng City LGU ng hindi mameligro kapag naulit ang malakas na pag-ulan
at pagbaha. DXVL NEWS
0 comments:
Mag-post ng isang Komento