Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 kaso ng Leprosy o ketong na monitor ng RHU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 15, 2014) ---Tatlo katao ang naiulat na nagpositibo sa sakit na ketong o leprosy sa bayan ng Kabacan.

Ito ang napag-alaman mula kay leprosy coordinator Ruth Pasion ng RHU Kabacan sa panayam ng DXVL News.

Batay sa ulat 2 dito ang mula sa Brgy. Dagupan at 1 naman ang mula sa brgy. Bannawag.

Ang isa sa mga biktima ay sundalo na residente ng brgy. Dagupan kungsaan lumabas ang nasabing sakit makalipas ang sampung taon na nahawaan ito, ayon kay Pasion.

Sa ngayon, patuloy naman ang ginagawang gamutan sa mga ito at unti-unti namang silang gumagaling kungsaan isang taong suportado ang mga ito ng gamot mula sa RHU Kabacan.

Ang sakit na ito ay dala ng mikrobyo at matagal na gamutin kung hindi agad maaagapan.

Gayunpaman, mahirap mahawa ng sakit na ito. Mahahawa lamang ang isang tao kung tuwiran at matagal ang ugnayan sa taong may ketong na hindi nagpapagamot.

Sinabi ni Pasion na ang unang palatandaan ng ketong ay ang paglitaw ng isang tuyo at magaspang na patse na kakaiba ang kulay sa normal na balat.

Hindi matuklap ang patseng ito, at hindi rin matanggal kahit ginagamot
.
Aniya, Kapag hinahawakan ang patseng ito o kahit tusukit man ng karayom, walang mararamdamang anumang sakit, o kirot ang pasyente. 

Karaniwan, ang patseng ito ay hindi pinapawisan at walang balahibo. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento