By:
Lloyd K Oasay
(Kidapawan City/ September 18, 2014) ---
Nag-uwi ng sampung medalya ang mga atleta ng Kidapawan City mula sa katatapos
lamang na Batang Pinoy Mindanao Qualifying Leg meet sa Pagadian City.
Namayagpag sa Racquet Sports ang mga batang manlalaro ng lungsod na nagkamit ng
medalya sa mga events gaya ng Badminton, Lawn at Table Tennis, ayon na rin sa
listahang ipinalabas ng City Sports Office.
Nag-uwi ng dalawang gold, tatlong silver at
limang bronze medals ang mga manlalaro ng lungsod na nakilahok sa nasabing
palaro na ginanap noong September 10- 14.
Nanalo ng tig-iisang medalyang ginto
sina Georgene Cristina Hiso at Keith Aubrey Bidal sa Badminton girls doubles.
Nag uwi naman ng pilak sina Hanne Babes Bambalan ( Table tennis girls/singles);
Jeff Alquiza ( Lawn tennis boys individual/doubles); Marco Louis Barrios ( Lawn
tennis boys doubles/individual). Nanalo ng tansong medalya sina Hensford
Sidayon (Table Tennis mixed doubles); Hanne Babes Bambalan (Table Tennis mixed
doubles); Georgene Cristina Hiso (Badminton girls singles) Ron Daniel
Cabalquinto ( Badminton Boys doubles) at Julius Fontanilla (Badminton boys
doubles).
Papuri naman ang ipinapaabot ni City Mayor
Joseph Evangelista sa mga nanalong atleta. Matatandaang nagpaabot ng tulong
pinansyal ang alkalde sa mga atleta upang makasali sa kompetisyon.
Hindi lamang
kasi nakatuon ang pagtulong ni Mayor Evangelista sa aspetong pagpapa unlad ng
academic standing ng mga bata kungdi kasali din sa social development nila gaya
ng sports.
Ang mga nagwaging atleta ay siyang kakatawan
sa Lungsod sa Batang Pinoy National Championships na gagawin sa Bacolod City sa
December 2014. DXVL NEWS
0 comments:
Mag-post ng isang Komento