By:
Mark Anthony Pispis
(Pikit, North Cotabato/ September 19,
2014) ---Lubos na pinasalamatan ng mga mag-aaral, guro at ilang mga residente ng
Sitio Baruyan, Nalapakan, Pikit, Cotabato ang bagong silid aralan na ibinigay
ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Ito ang naging pahayag ni Datu
Tumindeg Sultan Memorial Elementary School Head Abo Halil Karudi sa isinagawang
turn-over ceremony ng nasabing paaralan nitong umaga ng September 18.
Aniya malaki ang pasasalamat nito sa
NGCP, bukod sa pagbibigay ng kalidad na transmission sa kuryente ay kanila ding tinututukan ang ilang mga panlipunang serbisyo.
Sa kanyang mensahe, iginiit ni NGCP
Principal Specialist Mark Raymund Bulanga na ang nasabing turn-over ceremony ng
tatlong classroom na gusali ng mababang paaralan sa Datu Tumindeg Sultan Memorial
Elementary School ay bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR).
Maliban dito, masayang ibinalita din
ng pamunuan ng NGCP na bukod sa bayan ng Pikit ay kanila ding nabigyan ng
kahalintulad na proyekto ang Kiblawan sa lalawigan ng Davao del Sur, Barangay
Balabag sa Kidapawan City, at ang barangay Dalingawen sa bayan din ng Pikit.
Sa ngayon ay magagamit na ng mga
mag-aaral ang bagong silid aralan para sa mas ‘conducive’ na pag-aaral.
Kasama din sa dumalo sa turn over ceremony
ay sina Mayor Muhyryn Sultan-Casi ng Pikit, dating Mayor Sumulung Sultan ng
Pikit at Board Member Dulia Sultan ng 1st District ng Cotabato Province.
Kaugnay nito, nagpaabot naman ng
token ang pamunuan ng nasabing paaralan kay NGCP Pres. Henry Sy., Jr. bilang
tugon sa kanilang taos pusong pasasalamat sa NGCP.
Anya malaking tulong umano ito hindi
lamang sa mga mag aaral, mga magulang at mga guro kundi pati narin sa mga
batang susunod pang magpapa-enrol sa kanilang paaralan.
Sa panig naman ng NGCP, naniniwala
ang mga ito na sa pamamagitan ng edukasyon ay mabibigyan ng magandang buhay ang
mga bata na susunod sa henerasyong ito. DXVL
NEWS!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento