Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga magsasakang naapektuhan ng pagbaha nabigyan ng 430 bags na Certified Palay Seeds mula sa Provincial Government ng Cotabato

By: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/ September 20, 2014) ---Abot sa 568 mga magsasaka ang naapektuhan ng nakaraang mga pagbaha sa bayan ng Kabacan kungsaan ang ilan sa mga ito ay mabibigyan ng binhi mula sa Cotabato Provincial Government.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Kabacan Municipal Agriculturist Sassong Pakkal matapos na maapektuhan ang siyam na mga barangay sa bayan ng nasabing pagbaha nitong a-29 ng Agosto.


Kabilang sa mga naapektuhang barangay ay ang Aringay 25 magsasaka, Bangilan, 71; Bannawag, 48; Cuyapon, 229; Kayaga, 89; Malanduage, 27; Magatos, 30; Pisan, 6 at Salapungan, 43.

Ipinaliwanag naman ni Pakkal na hindi lahat ay mabigyanng Certified Palay seeds dahil ay iba naman ay hindi napuruhan ang kanilang pananim sa isinagawang beripekasyon ng mga Agricultural Technician sa kani-kanilang mga erya.

Kukunin ng mga magsasaka ang nakalaang 430 bags na Certified palay seeds sa sa isang bodega sa brgy. Kilada, Matalam, Cotabato batay naman sa master list na pangalan ng mga magsasakang naapektuhan ng pagbaha sa bayan ng Kabacan sa opsiyal na listahan na inilabas ng Municipal Agriculturist Office ng Kabacan, ayon pa kay Pakkal.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento