(Kidapawan City/ September 15, 2014) ---Tatlong
araw nang nawawala sa Kidapawan City ang 16-taong gulang na dalaga na si Gladys
Belmonte, second year college na kumukuha ng Bachelor of Science in Education
sa isang pribadong kolehiyo sa lungsod.
Kwento ng ina’ng si Germelyn, huling nakita
nila ang anak bandang alas-10:30 ng umaga noong a-10 ng Setyembre.
Ang paalam raw nito ay papasok sa
eskwelahan.
Pero ‘di na ito nakita, simula nang araw na
‘yun.
Duda ang ina na dinukot ng ‘di kilalang
lalaki ang anak.
Noon pa raw ay sinasabi na ng anak sa kanya
na may nagbabanta sa buhay nito.
Gayunman, di naman ito nagbanggit ng pangalan ng taong papatay sa kanya.
Wala’ng maisip na dahilan si Aling Germelyn
para dukutin ang anak.
Mabuti’ng anak raw si Gladys.
Ito rin ang paniwala ng nakatatandang
kapatid niya na si Gerry Mae.
Hindi naman daw napagalitan ng mga magulang
nila ang kapatid kaya wala’ng dahilan para ito maglayas.
Idinulog na ng mag-ina ang nawawalang si
Gladys sa himpilan ng pulisya para mahanap sa lalo’ng madaling panahon. DXVL
News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento