Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bahay ng ginang, hinagisan ng granada sa Arakan Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Arakan, North Cotabato/ September 17, 2014) ---Isang Granada ang sumabog sa Sitio Kamangahan, Arakan, North cotabato alas 8:00 kagabi.

Ayon kay PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP, sinasabing inihagis ang nasabing Granada ng di pa nakilalang suspek sa pamamahay ng isang Susan dela Rosa Seminilla, 44-anyos, may asawa at resident eng nasabing lugar.


Wala namang may napaulat na nasaktan dahil sa pagsabog pero nagdulot naman ito ng pagkasira ng ilang mga parte ng bahay ng biktima dahil sa pagsabog.

Narekober sa crime scene ang shrapnel at safety lever ng nasabing pamapasabog na di pa matukoy.

Dagdag pa ni Oranza, wala pong dapat ikabahala ang mga mamamayan ng Arakan dahil kontrolado umano ng kapulisan ang sitwasyon at patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon upang alamin ang motibo ng nasabing krimen.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento