Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 taong gulang na bata, patay matapos na tamaan ng pinaniniwalaang tigdas

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 17, 2014) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng pamunuan ng Rural Health Unit ng Kabacan kung tigdas nga ba ang dahilan ng pagkamatay ng isang taong gulang na bata sa Sitio Guisawaan, Brgy. Nangaan, Kabacan Cotabato.

Kinilala ng RHU Kabacan ang biktima na si Nasrudin Dagandal Lumambas, isang taon at anim na buwang gulang, Muslim at residente ng naturang barangay.

Binawian ang bata nito pang Setyembre a-9.

Sa panayam ng DXVL News kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon, hindi pa kumpirmado kung talagang tigdas nga ang ikinamatay ng biktima, pero ayon sa mga magulang nito ay naranasan umano ang bata ng mga sintomas  ng sakit na tigdas.

Ang mga sintomas ng tigdas ay ang pagkakaroon ng fever o lagnat, rushes, at alinman sa tatlong C. ito ay ang Cough o ang ubo, Coryza o runny nose at Conjunctivitis o Sore eyes.

Dagdag pa ni Cabellon na September 11 na umano naireport ang naturang kaso at di na nila ito nakunan ng sample para tuluyan ngang makumpirma kung tigdas nga ang ikinamatay ng biktima sapagkat nailibing na umano ito.

Kunektado ka sa mga balita mula sa RHU Kabacan


0 comments:

Mag-post ng isang Komento