(Kabacan, North Cotabato/ September
20, 2014) ---Sunod sunod na niyanig ng lindol ang ilang bahagi ng South Central
Mindanao ngayong araw.
Ayon sa latest Bulletin ng Philippine
Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs unang inuga ng lindol ang
bayan ng Makilala kungsaan niyanig ito ng 4.4 magnitude alas 5:59 ng madaling araw
kanina.
May lalim na isang kilometro ang nasabing
pagyanig kungsaan tectonic ang pinagmulan.
Dakong alas 6:05 kaninang umaga ay
niyanig naman ang Columbio, Sultan Kudarat ng 3.6 magnitude na lindol sa
silangang bahagi ng nasabing lugar.
Makalipas ang 22 minuto muling inuga
ang nasabing lugar ng 2.6 Magnitude na lindol at may lalim na 15 kolimetro
kungsaan ang epicenter ay 06.89°N, 124.95°E - 008 km N 7° E of Columbio (Sultan Kudarat).
Alas 7:09 namang kaninang umaga tumama
ang 4.7 magnitude na lindol sa Kidapawan City.
Samantala naramdaman naman ang intensity
4 sa Kidapawan City, Makilala, North Cotabato; naitala naman ang intensity 3 sa
bayan ng Mlang at Tulunan, North Cotabato at Intensity 2 sa bayanng Matalam at
Antipas, North Cotabato.
Sinasabing tectonic o nagkiskisang
mga lupa ang dahilan ang nasabing pagyanig na may lalim na 2 kilometro.
Alas 7:18 naman kaninang umaga ay
muling inuga ng lindol ang Columbio, Sultan Kudarat ng Magnitude 3.0 na lindol.
Sa nasabing pagyanig naitala naman ang intensity 2 sa Makilala, North Cotabato
at Kidapawan City.
Alas 10:17 ngayong umaga, nilindol
ang Columbio, Sultan Kudarat ng 3.3 magnitude na lindol, ito ay may lalim na 22
kilometro habang tectonic pa rin ang pinagmulan.
Magnitude 2.8 naman ang tumama sa
Kidapawan City alas 10:54 ngayong umaga lamang at wala naman inaasahang after
shocks sa nasabing pagyanig.
Dakong alas 12:26 ng tanghali ngayon
lamang ay inuga ang Kidapawan ng malakas na pagyanig na abot sa 5.0 magnitude
na lindol.
Sa data ng Phivolcs nakita ang sentro
nito sa 06.88°N,
125.05°E - 014 km S 20° W of Kidapawan (North Cotabato).
May lalim na 11 kilometro ang nasabing pagyanig at tectonic pa rin ang
pinagmulan.
Inaasahan namang may napinsala na nasabing pagyanig ng 5.0 sa Kidapawan
City. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento