DXVL (The Morning News)
November 11, 2011
Business as usual sa bayan ng Kabacan pagkatapos yanigin ng tatlong mga pagsabog
Normal at business as usual ang bayan ng Kabacan, isa sa mga patuloy na umuunlad at progresibong bayan sa probinsiya ng North Cotabato, pagkatapos yanigin ng sunud-sunod na mga pagsabog noong Martes at Miyerkules.
Ito ayon kay P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP kungsaan tuloy ang negosyo, eskwela, at iba pang gawain sa bayan ilang oras makaraang ideklara ng mga awtoridad na lahat na ng mga bombang itinanim sa lugar ay ‘all accounted for’ na.
Pero aminado ang transport sector na malaki ang epekto ng mga pambobomba sa kanilang negosyo.
Ayon sa isang dispatcher ng pampasaherong van sa Kabacan Overland Terminal Complex, bumaba ng halos 40 porsiento ang dami ng mga pasahero na bumibyahe pabalik ng kanilang mga bayan dahil sa takot o pangamba na baka may mga pagsabog na namang mangyayari.
Sa terminal, mahigpit ang baggage check na ginagawa ng security personnel sa lahat ng mga pasaherong sasakay ng bus o van.
Madalas ang mga bomba ay inilalagay sa mga backpack, karton, o iba pang mga gamit at kabilang sa mga target ng pambobomba ay mga terminal at iba pang mga pampublikong lugar.
Simula noong Martes, limang mga improvised explosive device o IED ang itinanim sa iba’t ibang bahagi ng Kabacan. Isa rito ang sumabog; dalawa pinasabog ng mga bomb experts; at ang dalawang iba pa na ‘di sumabog makaraang mag-malfunction ang mga wiring nito ay nasa custody ng Explosives and Ordnance Disposal Team ng Philippine Army sa North Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento