ANTIQUE TRADER MULA SA MAYNILA DINUKOT SA MAGUINDANAO, DALAWANG SUSPEK HULI!
Patuloy ngayon ang inilunsad na manhunt laban sa grupo ng mga dumukot sa isang antique appraiser na buhat sa mandaluyong city matapos itong sapilitang dalhin habang tinututukan ng baril ng mga armadong kalalakihan sa Datu Odin sinsuat, Maguindanao kahapon.
Ayon kay P/Insp. Lendsy Sinsuat, hepe ng Datu Odin Sinsuat, mag-aalas tres ng hapon ng makatanggap sila ng report mula sa isang negosyanteng Maguindanaoan na dinukot ang kasosyo nitong si dominador Mendoza berdin, 52 at isang Antique appraiser.
Nangyari ang insedente sa isang resort-lodging house ilang metro lamang ang layo mula sa istasyon ng pulisya, ayon sa report ni GMA news stringer Ferdinand Cabrera.
Agad namang ikinasa ang pagresponse ng mga pulis sa erya patungong hillside resort sa Tamontaka dos, Datu Odin, Sinsuat at inabutan pa nila ang dalawang suspek na ka-transaksiyon ng biktima na nakilalang sina Norodin Malik Andil at Ryan Usman.
Doon na at nahuli ng mga otoridad ang mga suspek at nakuha mula sa posisyon ni Usman ang calibre .45 na pistol. Mabilis namang umiskapo ang mga kasamahan ng suspek sakay ng isang elf na truck na may plate number USL-905 patungo sa direksiyon ng Brgy. Capiton ng nabanggit na lugar, kungsaan isang get away pumpboat ang naghihintay patungong Liguasan Marsh.
Nang makapanayam ang mga suspek na nahuli, itinanggi umano nitong kasabwat sila sa kidnapping at sinabi pa nitong di raw sila magkakilala.
Napunta lamang sila sa lugar upang samahan ang negosyante sa kanilang transaksiyon sa pamimili ng ginto. Agad namang isinailalaim sa tactical interrogation ang dalawang suspek habang inihahanda ang kasong kanilang kakaharapin. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento