Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...


DXVL (The Morning News)
November 11, 2011

Bangkay na natagpuan sa Kabacan; kinilala na ng kanyang kamag-anak

Kinuha na kahapon ng kanyang mga kamag-anak ang bangkay na natagpuan sa isang abandonadong lote sa may Barangay Osias, Kabacan, North Cotabato, alas-7:30 kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP kinilala ng kanyang kamag-anak ang biktima na si Bernard Geolligue, Jr. alias “Toto”, 24 na taong gulang, sinasabing miyembro ng 3rd sex, residente ng Maria Clara St., Poblacion ng nasabing lugar at empleyado ng Lida Employee Insurance Services.

Sa ginawang pagsisiyasat ng kapulisan nabatid na nagtamo ang biktima ng 2 saksak sa ilalim ng kanyang kanang braso at dibdib.

Sinabi naman ni Semillano na may lead na sila kung sinu ang nasa likod ng pananaksak at bina-back track na umano nila kung sinu ang kasama ng biktima noong gabi bago siya pinatay. Duda ang mga pulis na pinatay ang biktima sa iba’ng lugar at sa bayan ng Kabacan lang ibinagsak.
SA BAYAN NG PIKIT, North Cotabato, na-recover sa may Barangay Inug-ug ang bangkay ng isang lalaki, alas-12:45 nitong Miyerkules ng tanghali.
Kinilala ang biktima na isang Embram Mantawil Saparon, 21  taong gulang, at taga-Barangay Talitay, Pikit.
Agad na tinungo ng Pikit PNP, sa tulong ng 7th Infantry Battalion ng Army, ang erya upang gawin ang pag-iimbestiga sa kaso.
Ayon sa report ng Pikit PNP, noong umaga ng Martes nakarinig na ng putok ng baril ang ilang mga residente sa Barangay Inug-og.
Pero wala naman daw sila’ng napansin na kakaiba sa erya nang silipin nila ito noong araw na ‘yun.
Laki’ng gulat nila nang makita, bandang tanghali kahapon, ang bangkay ng isang lalaki.
Patuloy pang inaalam ng Pikit PNP ang motibo at ang taong nasa likod ng pamamaril sa biktima.(RB)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento