Tagalog news: Mag-aaral, mga empleyado sa USM pinaalalahan wag mag panic sa kumakalat na ‘text bomb scare ‘
KORONADAL CITY, Nob 10 (PIA) -- Pinaalalahan ni P/Supt Joseph Semillano ang mga mag-aaral, guro at empleyado ng University of Southern Mindanao na huwag patulan ang kumakalat na mga text message na umano’y target ng pambobomba ng masasamang elemento ang state university.Nanawagan din si Semillano na huwag nang ikalat pa ang matatanggap na kaparehong text message upang huwag nang magdulot pa ang panic o matinding takot sa kumunidad, lalung lalo na sa libu-libong mag-aaral at empleyedo ng USM.
Matatandaang isang improvised explosive device (IED) ang sumabog mga dalawang daang metro lang sa labas ng main gate ng USM bandang alas – ocho ng gabi noong Martes, kasabay nito ang isa pang bomba na hindi sumabog.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento