Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bagong ATM Machine, binuksan na sa Mlang, North Cotabato

Written by: Williamore Magbanua

(Mlang, North Cotabato/ July 18, 2014) ---Binuksan na ang ATM machine ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa lobby ng munisipyo ng bayan ng Mlang nitong umaga nang Huwebes.

Mismong si Mlang Mayor Joselito Pinol ang una-unang nagsagawa ng transaksiyon sa nasabing makina sa pamamagitan nang isang simpleng programa na dinaluhan nang mga empleyado, academe at business sectors.


Ang nasabing ATM machine ay sadyang inilagay sa lobby ng munisipypo upang mapadali ang pagkuha sa suweldo ng mga empleyado ng LGU.

Ito ang jauna-unahang makina na pag aari ng isang commercial bank na ang main office ay nasa Kidapawan City.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si mayor Pinol sa pamunuan ng banko dahil sa serbisyong ipinaabot hindi lamang sa mga empleyado kundi maging sa mga ordinaryong mamamayan ng bayan.

Ani Pinol, maseserbisyuhan din ng nasabing makina ang libu-libong mga 4P’s beneficiaries na kailangan pang magtungo sa Kidapawan City upang I withdraw ang kanilang buwanang alokasyon.


Samantala, ilang mga commercial banks pa ang nagpaabot narin ng kanilang intensiyon upang magtayo din ngkahalintulad na pasilidad sa bayan ng Mlang. DXVL NEWS

0 comments:

Mag-post ng isang Komento