Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Banana Plantation sa Tulunan, North Cotabato; sinalakay ng mga armadong grupo; 1 patay sa nasabing pag-atake

(Tulunan, North Cotabato/ July 14, 2014) ---Hinarass ng mga armadong grupo ang Dilinanas Banana Plantation  sa Brgy. Dungos, Tulunan, North Cotabato alas 10:30 kahapon ng umaga.

Sa report ni PSI Ronnie Cordero ang nasabing pag-atake ay pinangunahan ni Kumander Linguna Sultan, Kumander Brodie at Sukarno Sultan na mga pinaniniwalaang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF kungsaan sinalakay ng mag ito ang SWAT Security Agency ng Delinanas Plantation.

Sa ulat ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PSI Jojet Nicolas na sinunog pa ng mga suspek ang 3 backhoe, boom track spray at 2 diesel engine.

Abot sa tatlong oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig kungsaan isa ang napaulat na namatay sa nasabing harassment mula sa panig naman ng mga umatake habang wala namang casualties sa panig ng pamahalaan.

Narekober mula sa umataking suspek na namatay ang isang (1) unit improvised AK 47 three  (3) magazine loaded with 5.56 ammunition.

Matinding tinamaan naman ang bubong na bahagi ng Packing house ng Delinanas Plantation.
Sa ngayon, pinalakas na ng Tulunan PNP ang kanilang ipinapatupad na security measures habang nagpapatuloy ang pursuit at clearing operation sa lugar. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento