Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bloodletting Activity ng DXVL Radyo ng Bayan, gagawin na bukas

(Kabacan, North Cotabato/ July 15, 2014) ---Gagawin na bukas ang bloodletting activity ng DXVL Radyo ng Bayan na pinamagatang Dugo ko Alay sa KaKoolitan ko na isasagawa sa DXVL grounds, malapit lamang sa DXVL Broadcast Tower, USM Compound, Kabacan, Cotabato.

Sa panayam kay Philippine National Red Cross Cotabato City Chapter Board of Director Benny Queman na handa na rin ang kanyang medical staff para sa nasabing aktibidad.

Nabatid mula kay Queman na may maganda epekto sa katawan ng isang tao ang palagiang pagdodonate ng dugo.

Maliban dito, pinayuhan ng opisyal ang mga donor ng dugo na tiyaking nasa kondisyon ang katawan at nakatulog ng walong oras bago ang pagdodonate ng dugo at higit sa lahat ay iwasan munang uminom ng alak.

Sa ngayon, iba’t-ibang grupo na rin ang nagpatala sa DXVL para sa gagawing bloodletting activity na bahagi ng walong taong anibersaryo ng DXVL Radyo ng Bayan.

Katuwang ng himpilang ito sa pagtataguyod ng programa ang Provincial Government ng North Cotabato, LGU Kabacan sa pamumuno ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., Councilor Reyman Saldivar, Councilor Herlo Guzman Sr., Gelyn’s glass and Aluminum Supply at Gelyn’s tarpaulin and Printing Services, Kabacan Water District at Cotelco.


Kasama na rin ang mga sumusuporta dito sa enginerring Office ng LGU sa pamumuno ni Engr. Noel Agor, Ana Ligaya, Mam Cheng Consolacion Ampang at Amia Café. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento