(Kabacan, North Cotabato/ July 15, 2014) ---Abot sa
mahigit sa 25 mga Persons with disabilities mula dito sa bayan ng Kabacan ang
maki-isa sa gagawing National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR)
Week sa Amas, Kidapawan sa July 24.
Ayon kay Kabacan PWD’s Focal Person Rhoda Anne Laguardia
na may iba’t-ibang mga programa at pakulong inihanda ang Provincial Social
Welfare and Development Office para sa nasabing aktibidad.
Kabilang na dito ang iba’t-ibang sports games, mind
games, Track and Field, Literary Contest, Singing, Draw and Tell at maraming
iba pa.
Nabatid na ang National Disability Prevention and
Rehabilitation Week ay ipinagdiriwang taun-taon sa Pilipinas tuwing Hulyo upang
maitaguyod ang mga programa ng pamahalaan upang bigyang halaga sa lipunan ang
mga may kapansanan, at maipaalam ang mga pamamaraan upang maiwasan ang
pagkakaroon nito.
Nakasentro ang selebrasyon ngayong taon sa temang “Talino
at Paninindigan ng Taong may kapansanan Pasaporte sa Kaunlaran”. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento