Written
by: Williamore Magbanua
(Mlang, North Cotabato/ July 19, 2014) ---Abot
sa 1382 na mga kababaihan ang nagtapos sa anim na buwang computer literacy
program ng LGU Mlang simula nang buksan ito nitong taong 2008.
Maliban sa mga kababaihan, may mahigit 200
mga out of school youth at 20 mga anak ng 4P’s beneficiaries din ang nagtapos
sa programa.
Ang Community E-Center ay isang computer
school na pinapatakbo ng lokal na pamahalaan ng Mlang na naglalayong mabigyan
ng libreng edukasyon hinggil sa computer literacy ang mga mahihirap na mga
mamamayan nito.
Kabilang sa mga nagtapos sa nasabing kurso si
Bae Queenie Hadjinoor, 20 years old,
anak ng dating MILF commander ng
Barangay Gaunan.
Sa edad na 11, naulila siya matapos na
pumanaw ang kanyang mga magulang. Pero hindi ito naging hadlang sa kanya para
itayguyod ang kanyang pag aaral.
Kuwento ni Bae Queenie, mag isa siyang
umakyat sa munisipyo ng Mlang at humingi ng scholarship grant upang makapag
aral siya ng computer course.
Matapos mag qualified sa scholarship grant,
pinagbuti ni Bae Queenie ang kanyang pag aaral hangang sa maging bihasa siya sa
pag gamit ng mga makabagong teknolohiya.
Ito din ang naging pasaporte niya para
kuning assistant instructor ng Mlang Community E-Center matapos ang kanyang
graduation.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento