(President Quirino, Sultan Kudarat / July
19, 2014) ---Tadtad ng bala ng matagpuan ang bangkay ng isang babae na
nakahandusay at wala ng buhay sa gilid ng daan sa Barangay Tual, President
Quirino, Sultan Kudarat pasado alas 5:00 ng madaling araw kanina.
Ayon kay Police Inspector Reynaldo Bobon,
deputy chief of police ng President Quirino PNP na isang magsasaka ang nakakita
ng nasabing bangkay sa madamong bahagi.
Hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan ng
biktima sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulisya kungsaan ang naturangbabae
ay nakasuot ng puting sleeveless at may pink na jacket, naka-leggings ng blue
na may itim na dotted.
Nasa edad 38-40-anyos, may taas na 4'9
hanggang 5'0, katamtaman ang haba ng buhok at pangangatawan nito.
Sinabi ni Bobon na apat na tama ng bala ang
nakita sa katawan ng biktima, partikular na sa kanyang dibdib, tiyan, paa at
kamay.
Naniniwala ang opisyal na sa lugar pinatay
ang ang babae dahil sa mga basyo ng bala na nakuha sa lugar.
Nagsasagawa na ngayon ng malalimang
imbestigsyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.
Sa ngayon nasa Divine Mercy Funeral Hall sa
Tacurong City ang bangkay ng biktima. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento