Written
by: Jimmy Santa Cruz
(Amas, Kidapawan city/ July 14, 2014) ---Abot
sa 45 mga farmer-beneficiaries mula sa iba’t-ibang barangay ng Arakan, Cotabato
ang tumanggap ng mga kalabaw at baka mula sa Office of the Provincial
Veterinarian o OPVET noong July 1, 2014.
Ginanap ang distribusyon ng naturang mga
farm animals sa Arakan Municipal Gym kung saan ipinamahagi ang abot sa 17
heifer cows o babaeng baka at 28 cara-heifers o babaeng kalabaw sa 45 na mga magsasaka.
Ayon kay OPVET OIC Dr. Rufino C. Sorupia,
layon ng Animal Dispersal ng Provincial Government of Cotabato na tulungan ang
mga maliliit na mga magsasaka sa pamamagitan ng mga farm animals at livestock.
Maraming mga farmers na umano mula sa
tatlong distrito ng Cotabato ang nabiyayaan ng mga hayop sa ilalim ng naturang
programa.
Lumagda sa isang Memorandum of Agreement o
MOA ang mga magsasaka at ang OPVET na siya namang magiging gabay ng mga
magsasaka sa naturang programa.
Dumalo sa aktibidad si Cot. 1st District
Board Member Airene Claire Pagal bilang kinatawan ni Gov. Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza at ibinahagi ang mensahe ng gobernadora para sa mga magsasaka.
Nais raw ni Gov. Taliño-Mendoza na
magpatuloy ang mahusay na ugnayan ng provincial government at sektor ng
agrikultura upang magtuluy-tuloy ang pag-unlad ng buhay ng mga magsasaka.
Sumaksi rin sa aktibidad si Arakan Municipal
Vice Mayor Jeje A. Pangilinan andArakan
ABC President Ebon.
Ilan sa mga farmer-beneficiaries na nagbigay
ng mensahe at nagpasalamat sa Animal Dispersal Program ay sina Ernesto Cabuyao
ng Brgy. Datu Mantangkil, Salvacion Pajenado ng Brgy.
Makalangot, Grace Hernane
ng Brgy. Lanao Kuran, Lilibeth Alinsonorin ng Brgy. Katipunan at Clarita Modelo
ng Brgy. Napalico. (JIMMY STA. CRUZ/PGO
Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento