(Aleosan, North Cotabato/ July 14, 2014) ---Dead
on the spot ang tatlong mga kalalakihan makaraang suwagin ng isang rumaragasang
behikulo ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang pauwi na galing sa
pakikipaglamay sa burol ng namatay nilang kaibigan sa bayan ng Aleosan, North
Cotabato alas 12:45 ng madaling araw nitong Sabado.
Sa ulat ng Cotabato Police Provincial Office
kinilala ang mga biktima na sina Noli Capulong, Delmer Vios at Delvert Vios mga
residente sa bayan ng Midsayap.
Base sa imbestigasyon, sinabi ni Sr.
Inspector Zean Paul Cubil, hepe ng Aleosan, kasalukuyang pauwi na ang mga biktima
galing sa pakikipaglamay sa burol ng kanilang kaibigan ng mangyari ang sakuna.
Nabatid na matapos mabangga ng behikulo ang
motorsiklong sinasakyan ng mga biktima sa hangganan ng Aleosan at Midsayap kung
saan ay nakaladkad pa ang mga ito ng pinaniniwalaang dambuhalang behikulo ng
may 100 metro.
Sa kaugalian ng mga Pinoy kapag galing sa
lamay ay kailangang dumaan muna sa ibang lugar upang magpagpag pero sa malas ay
sa disco club ang mga ito nagtungo at doon ay nakipag-inuman.
Isinasailalim pa sa imbestigasyon ang kaso.
Samantala, lima naman ang sugatan makaraang
mahulog sa isang bangin ang Jeep sa bahagi ng BRGY Gang Sultan Kudarat,
Maguindanao pasado alas 2:00 ng hapon nitong Sabado.
Sinasabing mabilis ang takbo ng Jeep na
lulan ng Durian at Rambutan resulta ng pagkakadisgrasya ayon pa sa initial na impormasyon
ng Sultan Kudarat PNP.
Lima ang naging sugatan sa aksidente at
kasalukuyang nagpapagaling ospital.
Ito na ang ikalawang insidente ng may
nahulog na sasakyan sa banging bahagi ng bayan.
Maalalang patay ang ministro ng Iglesia ni
Cristo habang tatlo rin ang nasugatan nang mahulog ang kanilang sinasakyang
kotse sa bahagi ng Brgy. Ladia nitong July 7. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento