Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Daan-daan sumali sa katatapos na Takbo para sa Batang Kabakenyo

(Kabacan, North Cotabato/ July 17, 2014) ---Daan-daang mga tagasuporta ng DXVL FM ang lumahok sa katatapos na fun run for a cause na isinagawa kaninang madaling araw na pinamagatang “Takbo para sa Batang Kabakenyo”.

Inikot ng mga partisipante ang pangunahing kalye ng Poblacion Kabacan, mula sa starting line nito sa DXVL tower papunta ng USM Avenue tuloy-tuloy hanggang Municipal Hall kaninang umaga pabalik gamit ang rutang papuntang Aringay at papasok sa USM Motorpool at pabalik na sa may DXVL tower.

Nanalo naman sa nasabing Fun Run kungsaan unang nakarating sa Finish Line si Joebert Maluyo na itinanghal na champion ngayong taong selebrasyon ng ika-walong taong anibersaryo ng DXVL FM, 1st Runner up naman si Gilbert Maluyo at 2nd Runner Up si Gilbert Masibay.

Ang mga ito ay nakatanggap ng gift items mula sa DXVL FM habang nabigyan naman ng certificate ang lahat ng mga dumalo sa nasabing fun run bukod pa sa pagkilala sa bawat mga organisasyon na sumali dito.

Naging mainit naman ang p[agtugon ng mga tagapakinig ng DXVL sa nasabing civic project ng himpilan ngayong taon.

Nag-alay naman ng isang minutong handog para sa maagang pagpanaw ni Ka-kunektadong Irah Palencia Gelacio.


Kabilang din sa sumali sa nasabing fun run ang Kabacan Water district headed by General Manger Ferdie Mar Balungay, Kabacan PNP sa pamumuno ni Supt. Jordine MAribojo, 7th IB, Philippine Army, ilang mga lokal na opisyal ng Bayan, iba’t-ibang mga organisasyon at mga indibidwal. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento