Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga bagong Board of Directors ng Cotelco nanumpa na sa isinagawang Annual General Membership Assembly

(Tulunan, North Cotabato/ July 14, 2014) ---Pormal ng nanumpa ang mga bagong halal na board of Directors ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco sa isinagawang Annual General Membership Assembly sa Tulunan, North Cotabato kahapon.

Ayon kay Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez dalawa ang newly elected board habang isa naman ang re-elected board of director sa katauhan nina Board of Director Merca Bao-ay ng Kabacan District, Engr. Reny Benito ng Mlang District at Alfonso Jack Sandique ng Makilala District.

Habang binigyan naman ng Plaque of Recognition ang mga outgoing Board of Directors bilang pagkilala sa malaking kontribusyon nila sa kooperatiba na mapalago ito: Rodolfo Cabiles Jr., District VIII, Kidapawan City East; Samuel C. Dapon, District I Kabacan; Roger Cordero, District II Mlang at Ronnie Lebrillo District VII ng Magpet.

Bukod sa nabanggit nabigyan din ng pagkilala ang mga outstanding Barangay Power Association at isa na dito ang BAPA ng Katidtuan, Kabacan.

Ginawaran din ng pagkilala si Ginuong Guillermo Salcedo ang Chairman ng Multi-Sectoral Electrification Advisory Council o MSEAC Kabacan bilang pinakamatagal ng kasapi ng MSEAC at Eduardo Palomar ng MSEAC Mlang. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento