(Matalam, North Cotabato/ July 11, 2014) ---Muli
na namang nagkasagupa ang pangkat ng armadong grupo na Moro Islamic Liberation
Front at Moro National Liberation Front o MNLF sa brgy. Manubuan, Matalam,
North Cotabato alas 2:30 ng madaling araw kahapon.
Sa report ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe
ng Matalam PNP abot sa 14 na mg kabahayan ang diumano’y pinaputukan ng mga
armadong MILF sa nasabing brgy. kasama na ang bahay ni kagawad Daud Tigkanan.
Abot pa sa 50 minuto ang palitan ng putok sa
magkabilang panig kungsaan pinangunahan ni kumander Manu Sandab ang grupo ng
MNLF.
Agad namang rumesponde ang mga kapulisan sa
bahagi ng Brgy. Manubuan at west Patadon at tiniyak na ligtas ang mga pangunahing
lansangan partikular na ang National Highway kahapon ng umaga.
Sa panayam kay 602nd Brigade, PA
Spokesperson Captain Antonio Bulao sinabi nito na nag-ugat ang kaguluhan
matapos na manguha ng bunga ng rambutan ang asawa ni Pang-goy sa erya na wala
naman itong Farm ng Rambutan bagay na-hinold ng grupo ng MNLF si Panggoy at
itinawag kay Kapitan.
Subalit di nakapagpigil ang grupo ni Panggoy
na mula sa 108th Based Command ng MILF kaya kanilang hinarass ang
mga magsasaka sa nasabing barangay at pinaputukan umano ang ilang mga
kabahayan.
Patuloy naman ang ginagawang close
monitoring ng mga kapulisan at mga kasundaluhan sa nasabing girian kungsaan
tiniyak ng militar na kontrolado na nila ang sitwasyon.
Sa ulat ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam
PNP tiniyak nitong passable naman ang National Highway. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento