Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 sugatan sa muling pagsiklab ng putukan sa Sitio Maligaya, Brgy. Lower Malamote, Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ July 11, 2014) ---Sugatan ang isang sibilyan makaraang matamaan ng ligaw na bala sa nangyaring putukan sa pagitan ng mga armadong grupo at military sa bahagi ng Sitio Maligaya, Brgy. Lower Malamote, Matalam, North Cotabato alas 6:20 kahapon ng umaga.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP nabatid na habang nagpapatrolya ang kasapi ng militar mula sa 7th Ib, 38 Ib kasama ang 42nd NCAA ng paputukan ang mga ito ng mga armadong pangkat buhat sa brgy. Cuyapon, Kabacan, Cotabato.

Nabatid na naghahanda ng sakahan kaninang umaga si Junel Pacia ng sumugod ang di mabilang na grupo ng mga armado at nagpaputok dahilan kung bakit gumanti naman ang tropa ng militar.

Tumagal ng halos isang oras at kalahati ang nasabing palitan ng putok, wala namang may naiulat na casualties sa nasabing kaguluhan.

Samantala, kinilala naman ang sugatang sibilyan na si Eddie dela Rosa na natamaan ng ligaw na bala sa kaliwang palad habang nag-aani ng kanilang palayan.

Sinabi naman sa DXVL News ni Kapitan Ernesto Bigsang na mga magsasaka umano na galing sa kanilang barangay ang pinaputukan habang naghahanda ng kanilang sakahan kaya gumanti lamang ang mga ito.

Pero sa hiwalay na panayam ng DXVL News kay 602nd Brigade Spokesperson Captain Antonio Bulao na may namataan silang armadong grupo sa lugar kungsaan habang nagpapatrolya ang mga kasundaluhan ay may nagpaputok doon.


Hindi naman nagtagal ang nasabing putukan at agad na natigil ito, matagal ng land conflict ang itinuturong dahilan sa nasabing kaguluhan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento