Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Malaking papel na ginagampanan ni kakunektadong Irah Palencia Gelacio bilang lokal na mamamahayag kinilala ng LGU

(Kabacan, North Cotabato/ July 7, 2014) ---Ginawaran ng pagkilala ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan si DXVL Newscaster at DXVL Broadcast Traffic Officer Irah Vanesa Palencia Gelacio sa malaking papel na ginagampanan nito bilang isang mamamahayag.

Ang resolusyon ay binasa ni LGU Information Officer Sarah Jane Guerrero at iginawad ni Vice Mayor Myra Dulay Bade sa kanyang asawa na si Gerald Gelacio sa araw mismo ng kanyang libing nitong Sabado.

Bukod sa pagkilala nakasaaad sa resolusyon No. 2014-097 ang pakikiramay at pagdadalamhati ng LGU Kabacan sa maagang pagpanaw ni Irah sa mundong ibabaw.

Si Irah ay inihatid sa kanyang huling hantungan nitong Sabado ng umaga sa St. Jude Memorial Park sa Brgy. Kilada, Matalam, Cotabato kungsaan maraming mga tagapakinig, tagahanga, sumusuporta, mga kaibigan, kakilala, kapamilya, mga kasamahan sa trabaho sa USM at kasamahan sa trabaho ng kanyang mister sa Monsanto at Coca Cola Philippines, kasama na rin ang mga pamilya nito, mga Devcom Family at mga dating classmates, mga kasama sa Media at marami pang iba ang dumalo sa kanyang libing.

Habang ginagawa ang banal na misa para kay “Mai-mai” sa Christ the King Parish, di maiwasan ng kanyang mga pamilya lalo ng kanyang asawa at mga malalapit na kaibigan ang maging emosyunal sa last viewing na isinagawa sa simbahan.

Agad namang nagpaabot ng pasasalamat ang mister ni Irah na si Gerald Gelacio sa lahat ng mga tumulong lalo yung mga nag-donate ng dugo, mga sumuporta at nakiramay sa kanilang pamilya.

Di rin maiwasan ni Gerald na maging emosyunal matapos na sabihin nito na ang pinakamasakit sa kanya ay kahit haplos ng bagong silang na sanggol ni Irah ay di nito nagawa makaraang makaranas ito ng matinding komplikasyon matapos ang panganganak.

Patuloy namang umaapela ng dasal ang pamilya Palencia-Gelacio para maging matatag pa ang mga ito sa hamon ng buhay. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento