(Kidapawan City/ July 10, 2014) ---Iginiit
sa Sangguniang Panlungsod ng Kidaapwan ng Indigenous People's Mandatory Representative
na gamitin ang bagong bersyon ng Kidapawan Hymn.
Ito ang inihayag ni IP Representative Radin
Igwas na dapat ay gamitin na ng mga school administrator at mga establisimyento
ang revised version ng Kidapawan Hymn bago magsimula ang iba't ibang mga
programa.
Napag-alaman na mismong ang opisyal ang
naghain ng panukala na baguhin ang lyrics ng "Lupang Pinagpala" o
Kidapawan Hymn pagkatapos nitong mapili bilang IP representative ng lungsod.
Ginawa ni Igwas ang pahayag sa privilege
hour makaraang may mga eskwelahan pa umano sa Kidapawan city ang hindi pa
inaawit ang bagong Kidapawan Hymn.
Sinabi ng opisyal na ang pag-awit nito ay
simbolo ng pagkakaisa ng mga Kidapaweño sa kultura, tradisyon at relihiyosong
paniniwala. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento