(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2014) ---Tumaas
ng halos P30 ang presyo ng galunggong sa pamilihang bayan ng Kabacan ngayon.
Ito ang napag-alaman sa ilang mga nagbebenta
ng isda sa loob ng Public Market kungsaan umaabot na sa P130 ang bawat kilo
nito mula sa dating P100.00.
Maliban sa galunggong, di naman nagtaas ang
presyo ng isda.
Wala ring pinagbago ang presyo ng isang kilo
ng native na manok na nanatili pa rin sa 120 pesos at dressed chicken na 130
kada kilo.
Nitong nakaraang linggo makaraang sumipa ang
presyo ng bigas ngayon ay nananatili na ito sa kasalukuyan nitong presyo na
P47.00 angbawat kilo ng mga commercial rice kagaya ng masipag, Tonner, matatag
at M-3.
Samantala sa mga rekados naman, bahagyang
bumaba ang presyo ng bawang na dati ay nasa 450 pesos ang kilo na ngayon ay 250
pesos na lamang kada kilo habang ang ibang rekados naman tulad ng sibuyas,
carrots at patatas ay nanatili pa rin sa dati nitong presyo. Rhoderick Beñez with report from USM Devcom
Intern Ruvey Mae Pagaran, DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento