(Tulunan, North Cotabato/ July 7, 2014) ---Brutal na
kamatayan ang sinapit ng isang 48-anyos na magsasaka makaraang barilin at
pagtatagain sa nangyaring krimen sa Sitio Kidigan, Brgy. Popoyon, Tulunan,
North Cotabato alas 10:00 ng umaga nitong Sabado.
Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang
biktima na si Reynaldo Parami, 48-anyos, may asawa at residente ng nasabing
lugar.
Batay sa inisyal na pagsisisyasat, naghahanda ng kanyang
sakahan ang biktima ng bigla lamang itong lapitan ng di pa nakilalang suspek at
binaril.
Hindi pa makuntento ang suspek kanya pa umanong
pinagtataga ang biktima gamit ang bolo dahilan ng pagkakasugat nito sa
iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong
kamatayan.
Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang
nasabing pangyayari.
Sinisilip din nila ang anggulong may kinalaman sa lupa
ang nasabing insidente. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento