(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2014) ---Puspusan
na ngayon ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Kabacan hinggil sa
nalalapit na selebrasyon ng 67th founding Anniversary ng bayan
ngayong darating na Agosto.
Pangungunahan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman
Jr., ang nasabing aktibidad na magsisimula sa Agosto a-13 na bubuksan sa
pamamagitan ng Interfaith and thanksgiving Service.
Batay sa programang inilabas ng LGU Kabacan
iba’t-ibang aktibidades ang kanilang inihanda kabilang na dito ang Barangay Day
at pambungad na programa.
Maliban pa sa gagawing Awarding of unclaimed
titles na pangungunahan ni Municipal Assessor Magdiolena Esteban.
Susundan ito ng pagbubukas ng Agri Trade
Fair na pangungunahan ng Office of the Municipal Agriculture, Palarong Pinoy,
Hindi pa kami Laos, Alay Gupit, Agri Supplies distribution, Medical/Dental at
Bloodletting activity ng RHU at sa hapon naman ang Acrobatic Show na gagawin sa
Municipal Plaza at pangungunahan ng alkalde.
Maliban dito, nagpapatuloy naman ngayon ang
Search for Eco-Solid Waste Management Partners’ Award, search for Best Barangay
Lupong Tagapamayapa at Search for Best Barangay Council for the Protection of
the Children.
Nakasentro ang programa sa temang “Unlad
Kabacan: Kaya Natin to”. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento