Written by: Williamore Magbanua
(Mlang, North Cotabato/ July 8, 2014) ---Dalawampu’t-anim
na mga out of school youth mula sa ibat-ibang barangay ng Mlang ang matagumpay
na nagtapos sa tatlong araw na bamboo craft production training nitong araw ng
Biyernes.
Sila ang unang batch ng mga kabataan na
naging beneficiaries ng programa sa tulong ng lokal na pamahalaan at ng
Department of Labor and Employment o DOLE.
Matapos ang training, bihasa na ang mga kabataang
ito sa pag gawa ng lampshades na gawa sa kawayan, ito ayon kay LGU Information
officer Williamore Magbanua.
Naisakatuparan ang nasabing aktibidad sa
tulong ng DOLE na nagkaloob ng P592, 000 na pondo para mapalago ang bamboo
craft industry sa bayan ng Mlang.
Ayon kay Mlang Mayor Joselito Pinol,
makakatulong ang nasabing programa para magkaroon ng kita ang mga kabataang
dati ay laman ng kalsada at pinalilipas ang maghapon nang wala man lamang
nagawa upang kumita ng pera. Sa ilalim ng programa, gagawa ng bamboo lampshades
at drift wood products ang mga bata.
Kikita sila nang mula P200 hanggang sa
P500 kada araw, dependi sa dami ng kanilang magawang finished products.
Sa ngayon, may mga orders na nang bamboo
lampshades ang mga hotels sa Boracay.
Maging ang mga taga Mlang na naninirahan
na ngayon sa Estados Unidos ay omorder narin ng mga produktong gawa sa bayan ng
Mlang. Si Ramil Malones, sa murang edad ay naging embalsamador, pero kalaunan
ay huminto dahil sa nagkaroon siya nang karamdaman.
Isa siya sa mga masuwering napili na
beneficiary ng programa at ayon sa kanya, ikinararangal niya ang ganitong
trabaho.
Maliban daw kasi sa may siguradong kita,
mahahasa pa nito ang kanyang kaalaman sa paggawa ng mga dekorasyong pang export
at mula pa sa kanyang baying sinilangan na Mlang.
Maliban sa kita, magkakaroon din sila ng
dividend shares sa kanilang kapital pagsapit ng Disyembre. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento