(North Cotabato/ July ) --- Matapos na magpagaling ng
maraming deboto ang isang imahen ng Sto. Niño, nadagdagan pa ng dalawang imahen
ang nakakagamot umano ng mga sakit mula sa Purok Mabini, Barangay Kipalbig,
Tampakan, South Cotabato.
Una rito, sinasabing nagpakita ng milagro ang Sto. Niño
sa pamamagitan ng paggalaw at pagsasayaw na dinarayo ng mga tao matapos kumalat
ang balita na nakapagpapagaling ito.
Sa ngayon, maliban sa Sto. Niño, pinanininiwalaang
nakapagpagaling na rin ang mga kasamahan nitong imahen ng Divine Mercy at Our
Lady of Fatima na pawang pagmamay-ari ni Nene Dizon ng nasabing lugar.
Ayon kay Kipalbig Barangay Chairman Alexi Cariaga,
sinabi nito na hindi bababa sa 300 katao ang dumarayo sa kanilang lugar kada
araw upang magpagamot sa nasabing mga imahen.
Sinabi ni punong barangay na bukod sa tatlong imahen
kasama na rin sananggagamot ang may-ari nitong si Dizon mula alas-2:00 hanggang
alas-6:00 ng hapon.
Hindi rin umano maipaliwanag at maalala ni Dizon ang
kanyang sinasabi o ginagawa sa tuwing nanggagamot.
Ayon sa mga residente sa lugar, nag-iiba ang pag-uugali
ni Dizon habang nanggamot at parang sinasapian ito ng Sto. Nino.
Nilinaw ni Cariaga na walang sinisingil na bayad sa
sinasabing panggagamot. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento